PAGPILI AT PAGLILIMITA NG PAKSA

1. Dapat may kaugnayan ito sa inyong disiplina o sa personal na interes.

Simple lang ang dahilan kung bakit. Kung kaugnay ito ng inyong disiplina, siguro naman ay marami na kayong paunang kaalaman tungkol sa paksang nais ninyong pag-aralan. Halimbawa, kung ikaw ay isang civil engineering major, pwede ka ba magsaliksik tungkol sa ship mechanics? Siyempre, hindi.

Mahalaga rin na interesado kayo talaga sa paksang gusto ninyong isulat para hindi kayo mawalan ng gana na ipagpatuloy ito kalaunan. Ito rin ang dahilan kung bakit hanggang maaari ay suhestiyon lang ang binibigay naming guro ninyo.

2. Limitadong panahon

Kamakailan ay may nagtanong sa akin kung bakit ‘research paper’ at hindi ‘thesis’ ang tawag sa proyekto niyong ito. Ang thesis ay siyang pinal na proyektong dapat ninyo magawa bago kayo mag-graduate. Umaabot yan ng 100 pahina o higit pa kaya isang taon ang nakalaan para matapos ito.

Sa kabilang banda, mayroon na lamang kayong dalawang buwan para matapos ang inyong pamanahong papel (term paper). Iwasan ninyo ang mga malalawak na paksang baka hindi naman ninyo mapapanindigan. Halimbawa, “Mga Batang Ina sa Cubao, Quezon City.” Talaga bang may panahon ka na mag-panayam ng mga batang ina sa buong Cubao?

3. Kakayahang Pinansyal

Iwasan ang pagpili ng paksa kung saan mapapagastos kayo ng malaki. Walang kaso yung paggastos sa pagpapaprint ng mga sources ninyo galing sa Internet at sa pagpapa-photocopy ng survey forms. Okay lang din yung gumastos kayo sa pamasahe para mag-panayam o magsaliksik pero hangga’t maaari, sana dito lang sa Metro Manila o malapit lang kung saan kayo nakatira.

4. Mapagkukuhaan ng Sapat na Datos at Impormasyon

Kung matatandaan ninyo, sinabi ko dati na kapag kayo ay magpapasa nan g inyong mga panukalang paksa, dapat ay ilagay niyo rin ang inyong mga paunang reperensya (initial references).

Ito ay upang malaman ko kung saan-saan kayo maaaring makakuha ng impormasyong may kinalaman sa inyong planong pag-aaral. Pwedeng galing sa mga aklat, artikulo, thesis, at iba pang sanggunian. Ang importante, hindi kayo gagawa ng pananaliksik mula sa wala.

5. Kabuluhan ng Paksa

Ito ang pinakamahalagang tanong na dapat ninyong masagot sa pagpapanukala ng paksa. Bakit ninyo napili ang paksang iyan? Meron ba iyang kahalagahan para sa iyo, sa iyong disiplina, o kaya ay sa pamayanan? Gugustuhin niyo bang pagbuhusan ng panahon ang isang bagay na wala namang kabuluhan? (Uhm, hindi lang yata sa pananaliksik ito. LOL)

Pahabol:

Ang #2 at #3 ay magiging bahagi ng Saklaw at Limitasyon (Scope and Limitation) na nasa Kabanata I ng inyong pamanahong papel.

Ipapaliwanag niyo rin sa Kabanata I ang #5 sa bahagi ng “kahalagahan ng Pag-aaral” (Significance of the Study). Ang #4 naman ay magiging basehan ng inyong Kabanata III o ang Metodolohiya (Methodology). 

3 thoughts on “PAGPILI AT PAGLILIMITA NG PAKSA

  1. Mga tanga gumawa nito may pa lol pa kayung nalalaman jan mga ulaga tanga idiot your making me angry what the are you doing

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.