Mga prank videos, bakit nga ba nauuso sa social media?

Mga prank videos, bakit nga ba nauuso sa social media?

Noong isang linggo ay naanyayahan akong lumabas sa “Iskoolmates,” isang programang pangkabataan ng PTV Channel Four upang magbigay ng aking pananaw tungkol sa pagiging uso ng mga prank videos sa social media. Ang konteksto nito siyempre ay yung kontrobersiya hinggil sa publicity stunt na ginawa ng Taragis Takoyaki kung saan napaniwala nila ang mga tao na mayroon silang isang parokyano na nagpa-tattoo ng logo ng nasabing kainan sa ngalan ng P100,000 na premyo.

Gusto ko magsimula sa pagbanggit ng ilang importanteng impormasyon para sa talakayan natin. Sabi sa Digital 2024 Report ng Data Reportal, nasa 73% ng mga Pilipino ang konektado sa Internet at 90% sa kanila ay nasa social media. Dagdag pa dyan, mga Pilipino ang pinakananonood ng video sa Internet na umaabot ng walong oras kada araw para sa mga nasa edad 16-64.

Mahalagang tandaan na hindi naman bago ang ideya ng isang prank video dahil mayroon na ganito dati pa sa mga programa gaya ng “Wow Mali” ni Joey de leon saka “America’s Funniest Home Videos” at sa “Ellen DeGeneres Show.” Nag-iba lang ng medium dahil sa social media. sa kasalukuyang henerasyon naman, yung mga tinatawag na content creator lalo sa Facebook at Tiktok ay nag-iimbento ng mga sitwasyon kung saan sinusubukan nila na makakuha ng reaksyon mula sa tao at recorded ito ng palihim.

Bakit nga ba sikat ang ganitong klase ng content? Una, kinaaliwan ito ng mga tao. Hindi ba nakakatawang makita ng mga taong nagugulat? May elemento rin ng schadenfreude sapagkat para bang natutuwa tayong makita na napapahiya yung isang tao sabay isip na hindi iyon mangyayari sa atin sapagkat mas matalino tayo sa kanila.

Sa social media pa naman, talagang mahigpit ang labanan sa pagkuha ng atensiyon ng mga netizens. So the more outrageous the prank is, the more it will generate hits. Nakakabahala na rin kadalasan yung ganyan gaya nung ginawa dati na kunwaring may kidnapping na nagaganap. Siyempre naalarma ang komunidad doon, tapos gawa-gawa lang pala. Para bang sobrang desperado na magpapansin.

Ang katotohanan ay matagal nang may mga panukala na magkaroon ng Code of Ethics ang mga blogger at iba pang online content creator pero hindi iyan umuusad. Pero hindi masamang ipaalala ang pagiging responsable at hindi puwedeng puro page views at pera lang ang iintindihin nila. Kailangang makuha nila ang informed consent o pagpayag ng mga gusto nila isali sa prank videos. Dapat maipaliwanag halimbawa sa mga partisipante na yung video ay lalabas sa Internet at mananatili doon sa matagal na panahon at puwede silang makilala ng marami.

Online content creators have to be really careful not to go against relevant laws pertaining to data privacy, cyberbullying, and alarm and public scandal that might be broken.

Like The Filipino Scribe on Facebook!

About Author

Comments

comments

Mark Pere Madrona

The Filipino Scribe (TFS) is managed by Mark Pere Madrona, a multi-awarded writer and licensed professional teacher from the Philippines. Mr. Madrona earned his master’s degree in history from the University of the Philippines-Diliman last 2020. He obtained his bachelor’s degree in journalism cum laude from the same university back in 2010. His area of interests includes Philippine journalism, history, and politics as well as social media. Know more about him here: https://www.filipinoscribe.com/about/.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.