My experience as an ALS review facilitator

My experience as an ALS review facilitator

Noong nakaraang Sabado ay nagkaroon ang Humanities and Social Sciences Department ng Technological Institute of the Philippines ng isang outreach program. Kalahok sa programang ito ang mga residente ng Barangay San Roque, Cubao, Lungsod Quezon na nag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Juan Sumulong.

Sila ay yaong mga hindi nakapagtapos ng sekondarya subalit ay nakatakdang kumuha ng eksamen kaugnay ng inisyatibong Alternative Learning System (ALS) ng Kagawaran ng Edukasyon. Kapag naipasa nila ang nasabing pagsusulit na gaganapin sa Disyembre ay para na rin silang nakapagtapos ng sekondarya.

Noong Setyembre 6, mga guro sa Filipino ang nagturo sa mga kalahok sa programa. Halos 200 silang lahat, at 30 sa kanila ay natalaga sa akin sa Q-9409. Bagaman karamihan sa mga kalahok sa programa ay mga out-of-school na kabataan, mayroon ring ilan na edad 30 pataas. Ito ay isang patunay na wala sa edad ang pagnanasang magpatuloy ng edukasyon.

ALS reviewer essay
In the past, I’ve engaged in community activities through Red Cross Youth and Gawad Kalinga

Sinimulan ko ang sesyon sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa mga kalahok dahil sa paglalaan nila ng oras para sa aming aktibidad. Idiniin ko sa kanila na ang pagkakataong mayroon sila ay hindi dapat masayang sapagkat ito ay magsisilbing susi tungo sa magandang buhay.

Ika-8:30 ng umaga ng aking umpisahang pasagutan sa mga kalahok ang isang eksamen na may 60 na katanungan. Ang mga tanong ay galing sa mga paksa gaya ng komunikasyon, wastong pagbabantas, mga salawikain, at iba pa.

Pagkatapos ng isang oras, tinalakay ko ang wastong sagot sa mga tanong. Nakakatuwa na aktibo ang mga kalahok sa talakayan. Makalipas ang sampung minutong break time ay akin silang pinasulat ng isang sanaysay na may 200 hanggang 300 salita.

Ito ay tungkol sa isa sa mga sumusunod: 1) dahilan ng climate change, 2) paboritong isports, 3) ang kahulugan ng Pasko para sa kanila. Base sa aking pagtatanong-tanong, nalaman ko na marami sa kanila ang noon pa lamang uli makakapagsulat ng isang katha.

Sa kabuuan, nakagagaan ng loob na maging bahagi ng inisyatibong ito. Maliban sa nakatutulong na kami sa mga naghahangad ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng edukasyon, napayayaman din nito ang aming karanasan sa pakikitungo sa ibang tao.

Kagaya ng naging karanasan ko dati bilang volunteer ng Red Cross Youth at Gawad Kalinga, ako ay lubos na nagpapasalamat sa pagkakataong ito na naibigay sa akin.

About Author

Comments

comments

Mark Pere Madrona

The Filipino Scribe (TFS) is managed by Mark Pere Madrona, a multi-awarded writer and licensed professional teacher from the Philippines. Mr. Madrona earned his master’s degree in history from the University of the Philippines-Diliman last 2020. He obtained his bachelor’s degree in journalism cum laude from the same university back in 2010. His area of interests includes Philippine journalism, history, and politics as well as social media. Know more about him here: https://www.filipinoscribe.com/about/.

3 thoughts on “My experience as an ALS review facilitator

  1. Hey! I know this is kinda off topic however I’d figured I’d ask.

    Would you be interested in exchanging links oor maybe guest authoring a blog post or vice-versa?
    My site axdresses a lot of the same topihs aas youurs and I think we could greatly benefit
    from each other. If you’re intrested fewl
    frtee to send me aan e-mail. I look forward to hearing from you!
    Superb bllg bby the way!

    Also visit my himepage :: Las Vegas Microwave Repairman

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.