Belmonte: Tablets, hindi na babawiin mula sa mga graduating na estudyante ng QC
Inaprubahan ni Mayor Joy Belmonte ng Quezon City ang panukala na huwag na bawiin pa mula sa mga mag-aaral na magsisipag-tapos ng elementarya (Grade 6), junior high school (Grade 10), at senior high school (Grade 12) ang mga tablet na ipinahiram sa kanila ng pamahalaang lungsod sa pagsisimula ng school year 2020-2021.
Ito ang panahon kung kailan sinimulan ng Department of Education (DepEd) ang implementasyon ng blended learning bilang pagtugon sa pandemya ng COVID-19.
Ayon sa division memorandum 254 s. of 2022 na nilagdaan ng Schools Division Superintendent na si Dr. Jenilyn Rose Corpuz, binigyang diin na sa pagtatapos ng school year 2021-2022 ay mapupunta na sa mga graduates ng pampublikong paaralan ng lungsod ang pagmamay-ari sa mga tablets na pinahiram sa kanila.
Sa nasabi ring memorandum, dinagdag ni Corpuz na simula ngayong school year 2021-2022, mananatili na sa mga estudyante ang mga tablets hanggang sa pag-abante nila sa susunod na antas. “Loaned tablets assigned to a student shalI remain with the student even as he/she is promoted to another grade level in another Quezon Clty public school,” ayon kay Corpuz.
Gayunman, idiniin rin sa memorandum na imo-monitor pa rin ng DepED-QC ang kalagayan ng mga tablet na napahiram sa mga estudyante. Kung sakali man na sila ay mag-drop out, dapat ibalik ng mga estudyante ang tablet. Iginiit rin sa memorandum na isang beses lang maaaring manghiram ng tablet ang mga estudyante hanggang sa sila ay nasa basic education.
[scribd id=569527389 key=key-ULnalTH821WsCg8KUT5e mode=scroll]
Walang sinabi na mag bayad ng 300 pesos para sa notary or kapag di nag pa notary balik Ang tablet