Buwan ng Wika 2024 tema: “Filipino, Wikang Mapaglaya”
Ipagdiriwang ngayong darating na Agosto 2024 ang Buwan ng Wika sa lahat ng antas ng paaralan sa buong Pilipinas, mapa-elementarya, sekondarya, at maging sa kolehiyo.
Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ang tema ng pagdiriwang ngayong Agosto 2024 ay “Filipino: Wikang Mapaglaya.” Ito ay nakasaad sa KWF Kapasiyahan ng Kalupunan Blg, 08-02 Serye 2024.
Sa bawat linggo ng Agosto 2024 ay mayroong isang subtema ang Buwan ng Wika 2023:
A) 1-3 Agosto 2024: “Filipino Sign Language (FSL) tungo sa Ingklusibo sa Pambansang Kaunlaran”
B) 5-10 Agosto 2024: “Sistematiko at maka-Agham na Pananaliksik tungo sa Pambansang Kaunlaran”
C) 12-17 Agosto 2024: “Paggamit ng Indigenous Knowledge System and Practices (IKSP) sa Scientific Research”
D) 19-23 Agosto 2024: “Katutubong Wika sa Pagpapaunlad ng Edukasyong Pambansa”
E) 26-31 Agosto 2024: “Paglaban sa Misinformation (fact checking)”
Dagdag pa ng KWF, layunin ng Buwan Ng Wika 2024 ang mga sumusunod:
1. Ganap na maipatupad and Pampanguluhang Proklamasayon Blg. 1041;
2. Maiangat and kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito;
3. Mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makiiasa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko;
4. Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa; at
5. Maipakilala sa mga mamamayang Pilipino ang KWF bilang ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga programang pangwika nito.
“Like” The Filipino Scribe on Facebook!