BAGONG PUBLIKASYON: “Si Clodualdo del Mundo, Sr. Bilang Isang Kritiko at Pampublikong Intelektuwal”

BAGONG PUBLIKASYON: “Si Clodualdo del Mundo, Sr. Bilang Isang Kritiko at Pampublikong Intelektuwal”

Lubos kong ikinagagalak na ibahagi sa inyo na ang aking artikulong pinamagatang “Si Clodualdo del Mundo, Sr. Bilang Isang Kritiko at Pampublikong Intelektuwal” ay kabilang sa ika-36 na bolyum/edisyon ng Malay Journal ng De La Salle University-Manila. Maaaring ma-access ang artikulo sa website ng DLSU Manila.

Ito ay halaw sa aking MA History thesis na natapos noong 2020. Ang tuon ng artikulong ito ay ang mga nasulat na editoryal at panunuring-pampanitikan at kulturang popular ni Clodualdo del Mundo, Sr.

Nakamamangha na marami sa kanyang mga idea ay angkop pa rin sa kasalukuyang panahon. Malaki ang kanyang naging ambag sa panitikan at media ng Pilipinas mula dekada ’30 hanggang sa siya ay pumanaw noong 1977.

Sa puntong ito, nais kong pasalamatan ang maraming indibidwal na nagkaroon ng importanteng bahagi sa panibagong “milestone” na ito ng aking buhay:

Una sa lahat, sa pamilya del Mundo lalo na kay Dr. Clodualdo del Mundo, Jr. at sa namayapang si Propesor Amante del Mundo dahil sa kanilang suporta sa akin mula pa noong 2018.

Sa mga propesor na tumulong sa akin sa paghulma sa proyektong ito. Nariyan si Dr. Neil Martial Santillan na nagsilbing thesis adviser ko at ang reader-critic na si Dr. Lou De Leon-Bolinao, na parehong nagbigay diin na dapat mapalakas ang kontekstong pangkasaysayan ng aking pananaliksik. Pagpupugay rin kay Dr. Noel Teodoro at Dr. Elizabeth Enriquez dahil sa kanilang mga payo lalo na noong ako’y nagsisimula pa lamang sa paksang ito.
Akin ring pinasasalamatan ang mga bumubuo sa Malay, lalo na ang mga patnugot at rebyuwer na nagbigay ng mga gabay upang mas lalo kong palalimin ang talakayan dito at maiwasto ang paggamit ng gramatikang Filipino.
Maraming salamat rin kay Dr. Anna Cristina Nadora para sa pagtulong sa akin sa pag-edit ng artikulong ito at kay John Carlos Duque para sa pag-encode sa mga teksto.
PS: May binuo rin akong artikulo na naka-sentro naman sa mga naging kontribusyon ni Clodualdo del Mundo, Sr. sa industriya ng radyo sa bansa at umaasa akong mailathala ito bagong matapos ang 2024.

About Author

Comments

comments

Mark Pere Madrona

The Filipino Scribe (TFS) is managed by Mark Pere Madrona, a multi-awarded writer and licensed professional teacher from the Philippines. Mr. Madrona earned his master’s degree in history from the University of the Philippines-Diliman last 2020. He obtained his bachelor’s degree in journalism cum laude from the same university back in 2010. His area of interests includes Philippine journalism, history, and politics as well as social media. Know more about him here: https://www.filipinoscribe.com/about/.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.