Buwan ng Wika 2023 tema: “Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”
Ipagdiriwang ngayong darating na Agosto 2023 ang Buwan ng Wika sa lahat ng antas ng paaralan sa buong Pilipinas, mapa-elementarya, sekondarya, at maging sa kolehiyo.
Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ang tema ng pagdiriwang ngayong Agosto 2023 ay “Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.” Ito ay nakasaad sa KWF Kapasiyahan ng Kalupunan Blg, 06-02 Serye 2023.
Sa bawat linggo ng Agosto 2023 ay mayroong isang subtema ang Buwan ng Wika 2023:
A) 1-5 Agosto 2023: “Pagkilala at Pagtaguyod sa Filipino Sign Language (FSL) bilang Pambansang Wikang Senyas ng Pilipinas”
B) 7-12 Agosto 2023: “Mga Wikang Katutubo: Midyum ng Pagtuturo, Pananaliksik, at Pagkakaisa”
C) 14-19 Agosto 2023: “Mga Wikang Katutubo: Kasangkapan ng Siyensiya at Teknolohiya tungo sa Maunlad na Bansang Pilipinas”
D) 21-26 Agosto 2023: “Mga Wikang Katutubo: Pambansang Pag-uswag at Pakikipagkapuwa sa Pagpapaunlad ng Katarungang Panlipunan”
E) 28-31 Agosto 2023: “Wikang Filipino: Wikang Mapagbangon”
Hindi tulad noong 2020 at 2021, posibleng makapagdaos na ng mga aktibidad kaugnay ng “Buwan ng Wika” ngayong 2022 sa mismong mga paaralan dahil sa unti-unting pagbabalik ng face-to-face classes sa buong bansa.
Halimbawa, ipinahayag na ni Vice President at kasalukuyan ring Education Secretary Sara Duterte-Carpio na magbubukas sa Agosto 22 ang taong-panuruan 2022-2023.
“Like” The Filipino Scribe on Facebook!