Hindi makakatulong sa oposisyon ang pagtakbo ni Ka Leody de Guzman bilang presidente – #BotongPinoy2022

Hindi makakatulong sa oposisyon ang pagtakbo ni Ka Leody de Guzman bilang presidente – #BotongPinoy2022

Nitong Martes (Setyembre 28) ay nag-deklara ang lider-manggagawa na si Ka Leody De Guzman na tatakbo siya bilang pangulo sa halalan ng 2022. Si de Guzman ang magsisilbing standard-bearer ng Partido Lakas ng Masa.

Matatandaang tumakbo sa pagka-senador si De Guzman noong 2019 subalit umabot lamang siya sa ika-38 puwesto. Sa kasalukuyan ay nagsisilbing pinuno ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino si “Ka Leody.”

Ayon kay De Guzman, tatakbo siyang presidente upang magkaroon ng pagbabago sa sistema ng gobyerno sa bansa. “Hindi lang palitan si [President Rodrigo] Duterte. Hindi lang para palitan yung mukha ng pangulo sa Malacañang, kundi dapat palitan ang buong sistema ng ating gobyerno,” ayon sa kanya. May mga nagpahayag ng suporta kay De Guzman sa social media gamit ang hashtag na #ManggagawaNaman.

Sinuportahan ng The FIlipino Scribe ang pagtakbo ni “Ka Leody” sa pagka-senador noong 2019, kasama na ang isa pang progresibong kandidato na si Neri Colmenares. Ngunit para sa nakatakda niyang pagtakbong presidente para sa halalan ng 2022, nais ng pahinang ito na manawagan sa kanya na huwag na lamang ito ituloy.

ka leody de guzman for president
Nakatakdang tumakbo si Ka Leody de Guzman para sa pagka-presidente sa halalan ng 2022 (Photo credits: Facebook page of Sanlakas)

Bagaman nararapat suportahan ang mga pulitikong tunay na kaisa sa pagsulong ng karapatan ng mga manggagawa, dapat tandaan ang konteksto ng halalan ng 2022 para sa pagka-presidente. Nananatiling malaki ang posibilidad na magpatuloy ang hawak ng mga Duterte sa kapangyarihan, lalo na kung matutuloy ang pag-alyansa nila sa mga Marcos. At sa totoo lang, napaka-liit ng tsansa ni “Ka Leody” na manalo.

Hindi ito ang panahon na magsayang ng boto para sa protest vote. Bawat boto ay mahalaga lalo na at mukhang magiging dikit ang halalan ng 2022 sa dami ng gusto tumakbo. Tandaan na kung hindi dahil sa 300,000 na boto, malamang ay si Bongbong Marcos ang nakaupong bise presidente ngayon at hindi si Leni Robredo.

Para sa The FIlipino Scribe, siguro ay mas mainam para sa organisasyon ng mga manggagawa na makipag-alyansa na lamang sa kung sinuman ang kandidato sa pagka-presidente ng oposisyon – yaong may prinsipyo na pinakamalapit sa kanilang pinaglalabang adbokasiya. Gawin nila ang lahat upang makatulong sa pagwawagi ng kandidatong ito at kapag naka-puwesto na, doon sila manawagan ng kapanagutan hinggil sa mga pangakong binitawan noong kampanya. “Work within the system,” ika nga.

About Author

Comments

comments

Mark Pere Madrona

The Filipino Scribe (TFS) is managed by Mark Pere Madrona, a multi-awarded writer and licensed professional teacher from the Philippines. Mr. Madrona earned his master’s degree in history from the University of the Philippines-Diliman last 2020. He obtained his bachelor’s degree in journalism cum laude from the same university back in 2010. His area of interests includes Philippine journalism, history, and politics as well as social media. Know more about him here: https://www.filipinoscribe.com/about/.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.