Buwan ng Wika 2021 tema: “Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”

Buwan ng Wika 2021 tema: “Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”

Buwan ng Wikang Pambansa 2021

Ang “Buwan ng Wika” ay isa sa mga inaantabayanang kaganapan sa lahat ng antas ng paaralan sa buong bansa, mapa-elementarya, sekondarya, at maging sa kolehiyo kada taon.  Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ang tema ng pagdiriwang ngayong Agosto 2021 ay “Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”

Ayon sa anunsyo ng KWF, ang tema ng Buwan ng Wika ngayong taong ito ay sumasalamin sa pakikiisa ng ahensya sa isinasagawang 2021 Quincentennial Commemorations in the Philippines (2021 QCP). “Nararapat na sumasalamin sa Pilipinong pananaw at nagbabantayog sa pag-unawa at damdámin ng pagmamalaki sa ating mga ninuno at mayamang pamanang kultural sa porma ng panitikan, wika, mga sining, at ibá pang manipestasyong kultural. Nararapat ding bigyang-diin nitó ang Pilipinong Identidad at halagáhan ukol sa pagkakaisa, kahinahunan, at kalayaan,” paliwanag ng KWF.

Matatandaan na taong 1521 nang dumating sa bansa ang ekspedisyon na pinangunahan ng manlalayag na si Ferdinand Magellan. Sa taong ito rin unang ipinakilala ng mga Espanyol sa bansa ang Kristiyanismo, bagaman kasabay niyo ang pagsisimula ng kanilang intensyon na sakupin ang Pilipinas – isang misyon na hindi napagtagumpayan ni Magellan matapos siyang mapatay sa Labanan sa Mactan.

buwan ng wika 2021 tema
Ang tema ng Buwan ng Wika 2021 ay “Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”

Ipinunto rin ng KWF na dahil sa nasa ilalim ng kolonyalismo ang bansa sa loob ng halos 400 na taon, ito ay nagkaroon ng epekto sa kaasalang pangwika at pangkultura ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan. Binanggit na halimbawa ng ahensya ang “Pagyakap sa kultura o kalinangang banyaga sa hangaring makapantay sa kultura at estado ng mga mananakop” at ang “Pagkiling o mas pinaigting na pagpapahalaga sa sariling kultura at kalinangan upang maipagmalaki sa harap ng mga naghaharing uring mánanákop ang sariling kaakuhan o identidad ng sinakop.”

Sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga katutubong wika at sa tema ng dekolonisasyon, inahangad ng KWF ang “pagsasadambana sa dignidad ng mga katutubong wika at sa kultura ng mga komunidad na nagmamay-ari nitó. Ang wika at kultura ay sadyang nakabuhol sa isa’t isa at hindi mapaghíhiwaláy kailanman.”

Gayunman, gaya ng 2020, magiging isang malaking hamon ang pag-oorganisa ng mga aktibidades kaugnay ng “Buwan ng Wika” ngayong 2021 dahil sa pandemya ng COVID-19. Ang mga pambuklikong paaralan, bilang halimbawa, ay magtatapos pa lang ngayong Hulyo at posibleng sa Setyembre pa magbubukas ang taong-akademiko 2021-2022.

 

About Author

Comments

comments

Mark Pere Madrona

The Filipino Scribe (TFS) is managed by Mark Pere Madrona, a multi-awarded writer and licensed professional teacher from the Philippines. Mr. Madrona earned his master’s degree in history from the University of the Philippines-Diliman last 2020. He obtained his bachelor’s degree in journalism cum laude from the same university back in 2010. His area of interests includes Philippine journalism, history, and politics as well as social media. Know more about him here: https://www.filipinoscribe.com/about/.

2 thoughts on “Buwan ng Wika 2021 tema: “Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.