SI NANAY NENITA AUGUSTO
Habang pababa ako sa footbridge ng UP Ayala Technohub kahapon, nakita ko ang isang matandang babae na namamalimos at may dalang bag na puno ng mga plastik na bote. Malakas ang ulan kaya hindi pa muna ako sumakay pauwi.
Dahil dito, nagkaroon ako ng pagkakataon kausapin si Lola. Nenita Augusto ang pangalan niya. Sa edad na 79, namamalimos siya at nangangalakal ng mga plastik na bote para mabuhay. Wala daw syang pamilya dito, pero Ilocos ang probinsya nya.
Habang kinakausap ko sya, may dalawang call center agents na lumapit kay Lola Nenita para bigyan sya ng pagkain. Bothered by the continous thunderstorm, I asked them if we can just both give Lola Nenita some more money so she can go home already (she stays at the Commonwealth Market). Thankfully, the lady agent said yes.
Pero mapilit si Nanay Nenita. Sabi nya, kailangan daw muna nya mabenta yung mga bote sa isang junkshop sa Feria. Sinamahan ko sya doon. Nasa gilid lang ng Commonwealth Avenue yung junk shop kaya nahintay ko na sya. Kumita si Nanay Nenita ng sampung piso, halos sapat lang para sa kanyang pamasahe.
Hinatid ko na rin sya hanggang Commonwealth Market. Todo ang pasasalamat nya sa akin. Sabi ko naman, sana makita ko pa sya ulit. Tumanggi na syang sumama pa ako sa kung saan man ang pwesto niya.
Sa mga may magandang kalooban – maaari syang makita malapit sa mga footbridge sa Technohub, Feria, at Commonwealth Market.
(Kay Bb. Louisa Coronado ng Concentrix-Technohub, mabuhay ka and may God bless you more!)