Buwan ng Wika 2016 tema: “Filipino: Wika ng Karunungan”

Buwan ng Wika 2016 tema: “Filipino: Wika ng Karunungan”

Buwan ng Wikang Pambansa 2016

Kada Agosto ng bawat taong-akademiko, ang “Buwan ng Wika” ay isa sa mga pinaka-aabangang kaganapan sa lahat ng mga paaralan, mapa-elementarya, sekondarya, at maging sa kolehiyo.  Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran.

buwan ng wika 2016 tema
Ang tema ng Buwan ng Wika 2016 ay “Filipino: Wika ng Karunungan”

Ayon sa Memorandum #24 s. 2016 ng Department of Education, maaaring gamitin ng mga paaralan ang mga sumusunod na sub-tema sa pag-oorganisa ng kanilang mga gawain:

1) Filipino: Wika ng Edukasyon at Kalinangan
2) Intektuwalisadong Wikang Pambansa, Wika ng Umuunlad na Bansa 
3) Pagsasalin: Susi sa pagtamo at papapalaganap ng mga kaalaman at karunungan
4) Ang Filipino ay Wika ng Saliksik

Gaya ng nabanggit na dati, ipinagdiriwang ng mga paaralan sa buong bansa ang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain gaya ng sabayang pagbigkas, dula-dulaan, sayaw-awit o sayawit, pagsulat ng sanaysay, at iba pa.

Komentaryo hinggil sa tema:

Para sa maraming tao, ang pagiging mahusay sa wikang Ingles ang isa sa batayan upang matawag na intelihente. Sa kabilang banda, ang mga mahilig gumagamit sa wikang Filipino ay kadalasang kinukutya naman bilang mga “makata.”

Masasabing ang paggamit sa temang “Filipino: Wika Ng Karunungan” ay isang direktang tugon sa maling persepsyon na ito. Mapapansin naman na dalawa sa apat na sub-tema ay tumatalakay sa papel ng Filipino sa pagpapalaganap ng kaalaman at mga pananaliksik.

Halimbawa, karamihan sa mga tesis, disertasyon, at mga nalalathalang pananaliksik ay nasusulat sa wikang Ingles. Bagaman nakakatulong ito sa konteksto ng globalisasyon, dapat ring bigyang prayoridad ang pangangailangan na maipaalam ang nilalaman nito sa mga ordinaryong Pilipino.

[scribd id=315517605 key=key-k4NvjTSXnvOrhH1Mmq8U mode=scroll]

“Like” The Filipino Scribe on Facebook!

About Author

Comments

comments

Mark Pere Madrona

The Filipino Scribe (TFS) is managed by Mark Pere Madrona, a multi-awarded writer and licensed professional teacher from the Philippines. Mr. Madrona earned his master’s degree in history from the University of the Philippines-Diliman last 2020. He obtained his bachelor’s degree in journalism cum laude from the same university back in 2010. His area of interests includes Philippine journalism, history, and politics as well as social media. Know more about him here: https://www.filipinoscribe.com/about/.

30 thoughts on “Buwan ng Wika 2016 tema: “Filipino: Wika ng Karunungan”

      1. UNG KAILANGAN LANG PO SANAYSAY AY UNG MARAMDAMING SALAYSAY KUNG SA SAWING PAG IBIG KUNG PARA NAMAN PO SA MINAHAMAL MAY GALAK

  1. Guys madali lang naman gumawa nang sanaysay lalo na’t kung naiintindihan mo talaga ang tema at ang mga iba’t-ibang karunungan na naidulot nito sa atin bilang pilipino 🙂

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.