Libo-libo, maaapektuhan ‘pag dineklarang hindi natural-born citizen ang mga foundling – CJL

Libo-libo, maaapektuhan ‘pag dineklarang hindi natural-born citizen ang mga foundling – CJL

Hindi lang si Senador Grace Poe ang maaapektuhan kapag nagdesisyon ang Korte Suprema na hindi siya maaaring tumakbong presidente dahil sa hindi maituturing na natural-born Filipinos ang mga foundlings o iyong mga sanggol na inabandona ng kanilang mga magulang matapos isilang. Ito ay iginiit ng iba’t ibang organisasyong lumalaban para sa karapatan ng mga bata sa isang pagtitipon na ginanap noong Martes.

Ayon kay Eric Henry Mallonga, isang family law expert at pinuno ng Child Justice League o CJL, nararapat na tingnan ang isyu hindi lamang sa konteksto ng kandidatura ni Poe. “Iyong desisyon ng mga Supreme Court Justices sa Senate Electoral Tribunal saka ng mga Commissioners ng COMELEC, nilalabag at nilalapastangan nila ang karapatan ng mga bata, ng mga foundling. Don’t they realize the legal implications of these statements?” sabi ni Mallonga.

Partikular ni kinuwestiyon ni Mallonga ang pagsasabi na stateless o walang nasyonalidad ang mga foundling maliban na lamang kung sila ay sasailalim sa naturalisasyon.

If all foundlings are considered as naturalized citizens, they can no longer be members of the civil service, they can no longer be public servants, they can no longer be members of the Philippine National Police or the Armed Forces of the Philippines. Hindi na rin sila pwedeng maging doktor, o guro, o abogado,” ayon kay Mallonga.

grace poe qualified for president 2016
(Credits: Facebook page of Senator Grace Poe)

Sa hiwalay na pahayag, kinondena rin ni Mallonga ang para sa kanya ay pagtatangka ng mga kalaban sa pulitika ng Senadora na gamitin ang isyu para sa kanilang pansariling interes. “The tactic is shocking for its insensitivity to the plight of the foundlings, for its callousness in delimiting the rights and opportunities now enjoyed by those foundlings who may have risen above their present circumstances or continue to struggle to do so, and for its cruelty in sacrificing the present and future lives of these foundlings for short-term political expediency and personal ambition,” ayon sa kanya.

Sa pagtataya ni Mallonga, posibleng nasa ilang daang libo ang bilang ng mga foundling sa buong bansa. Ang CJL ay isa sa mga organisasyong nakilahok sa naganap na Adoptees, Adoptive Families, and Foundling Conference sa Lungsod Queon noong Enero 5.

Noong isang buwan ay nagpasya ang COMELEC en banc na kanselahin ang certificate of candidacy sa pagkapangulo ni Poe dahil sa hindi umano siya natural-born Filipino. Sinabi rin ng komisyon na kulang ang Senador ng dalawang buwan upang maabot ang sampung taong residency sa bansa na parehong hinihingi ng 1987 Constitution para sa mga nagnanais na kumandidatong presidente.

Ayon sa desisyon ng komisyon, wala kahit saan sa Konstitusyon ng 1935, 1973, at 1987 ang nagsasaad na dapat i-konsiderang natural-born citizen ang mga foundling. “It would be an absurd situation to consider a foundling with no known bloodline to a Filipino parent as a natural-born citizen,” ayon sa kanilang desisyon.

Kabilang naman sa mga nagsasabing dapat i-konsiderang natural-born citizen si Poe sina dating Supreme Court Chief Justice Artemio Panganiban, dating COMELEC Chair Sixto Brillantes Jr., dating senador Rene Saguisag, family law expert Katrina Legarda, at ang dekano ng Ateneo de Manila University School of Government na si Antonio La Viña.

Sa isang panayam sa telebisyon noong isang taon, ikinatwiran ni Legarda na magdudulot ng karagdagang diskriminasyon laban sa mga foundling kung sakaling tuluyang madiskwalipika si Poe. “If a foundling is not presumed natural-born then no abandoned child can ever aspire for national office. It’s terribly discriminatory,” paliwanag niya.

Samantala, dumipensa naman si La Viña laban sa mga bumabatikos sa kanyang mga pahayag sa midya na sumusuporta sa pagbibigay ng buong karapatang sibil at pulitikal sa mga foundling.

We will win this fight because we are in the right side of both justice and history. We cannot fail the parents and the children who came to this conference and all others waiting with fear all over the country,” ayon kay  La Viña.

Nakatakdang magdaos ng pagdinig ang Korte Suprema tungkol sa mga hamon sa citizenship at residency ni Poe sa Enero 19.

PLEASE LIKE THE FILIPINO SCRIBE ON FACEBOOK!

About Author

Comments

comments

Mark Pere Madrona

The Filipino Scribe (TFS) is managed by Mark Pere Madrona, a multi-awarded writer and licensed professional teacher from the Philippines. Mr. Madrona earned his master’s degree in history from the University of the Philippines-Diliman last 2020. He obtained his bachelor’s degree in journalism cum laude from the same university back in 2010. His area of interests includes Philippine journalism, history, and politics as well as social media. Know more about him here: https://www.filipinoscribe.com/about/.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.