Buwan ng Wika 2014
Gaya ng sa mga nagdaang taon ay muling ipagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa ngayong darating na Agosto.
Ang selebrasyon ngayong taon ay may temang “Wika ng Pagkakaisa.” Ito ay pangungunahan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF).
Ang “Buwan ng Wika” ay ipinagdiriwang taon-taon bilang pagtalima sa Pampanguluhang Proklamasyon 1041 na nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos noong Hulyo 1997. Mababasa sa pahinang ito ang buong teksto ng nasabing proklamasyon.
Ipinagdiriwang ang “Buwan ng Wika” sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad ukol rito sa mga paaralan sa buong bansa.
Nitong Hunyo ay inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon ang Memorandum 63 s. 2014 na nagsisilbing gabay sa obserbasyon ng Buwan ng Wika 2014(i-click ang link para ma-download ang dokumento).
Ayon dito, layunin ng pagdiriwang ngayong taon ang mga sumusunod:
1. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon 1041
2. Magamit ang wika sa pamamagitan ng pagsasalin bilang instrumento sa wika ng kapayapaan
3. Maipakita ang kahalagahan ng wika na higit na nauunawaan ng nakararami para sa pambansang pagkakaisa
[scribd id=229753347 key=key-uDnqYt5y779NQQINik48 mode=scroll]
Sa taong ito, magkakaroon ang Buwan ng Wika ng apat na sub-tema na siyang magiging gabay ng mga paaralan sa kanilang isasagawang mga aktibidad sa bawat linggo ng Agosto:
1. Ang Wika ng Usaping Pangkapayapaan ay Wika ng Pagkakasundo
2. Ang Wikang Nauunawaan ng Nakararami ay Wika ng Kapayapaan
3. Ang Wika ng Pagsasalin ay Wika ng Pagkakaunawaan
4. Ang wika ng Kapayapaan ay Wika ng Pambansang Pagkakaisa
Cibu, Rainier
Holy Angel University
Rizal F-332 CBA HAU
Ang wika natin ay isang simbolo na napakahalaga sa atin upang magkaruon ng communication sa isa`t isa bagama`t marami sa atin ay nakakalimutan nang bigyan halaga ito pero kung pagpapatuloy natin bigyan halaga at mabigyan ng magandang impormasyon tungkol sa ating wika maraming mamamayang pilipino ang magkakaisa kaya ang tema ngayung taon para sa Buwan ng Wika ay “Wika ng Pagkakaisa” dahil gusto ipahatid ng tema sa atin na kahit anu mang problema or trahedyang dumaan sa ating bansa at sa ating buhay, tayo ay magkaisa at tulong tulong para labanan mga pagsubok na nararanasan natin.
Kung hindi dahil sa Pampanguluhang Proklamasyon 1041 na nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos noong Hulyo 1997 hindi natin mararanasan gaano kaganda ang wika natin, wika na daan patungo sa pagkakaisa at pagkakasundo sa mga desisyon ng isa`t isa, desisyon na isa lamang ang hinahangad ang makamit ang kapayapaan.
Tesoro, Rovelyn Mae E.
Holy Angel University
Rizal F332 CBA HAU
Napakaimportante ng wika sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Nang dahil sa wika, naipapahayag natin ang ating sarili. Nagkakaroon din tayo ng komunikasyon sa mga taong ating nakakasalamuha. At higit sa lahat, ang wika ang siyang nag-uugnay sa bawat isa at nagdudulot ng pagkakaintindihan upang magkaisa ang isang bansa. Sa darating na Agosto, marapat lamang na bigyan natin ng pansin ang pagseselabra ng buwan ng wika na may temang “Wika ng pagkakaisa”. Sa pamamagitan ng selebrasyong ito, maipapakita ang kahalagahan ng wika at mapapainam natin ang paggamit nito. Mas magiging epektibo ang selebrasyong ito kung lahat ng mga paaralan ay makikiisa sa aktibidades na ito. Naway maging daan ito upang mas lalong mabuhay ang ating pagiging Pilipino. Naway maisapuso ng bawat isa ang tunay na kahalagahan ng buwan ng Agosto. Yun ay ang magamit natin ang ating sariling wika at mahalin natin ang ating sariling bansa; sa isip, sa salita at sa gawa.
Yalung, Pamela Justine G.
Holy Angel University
Rizal F332 CBA
Sabi nga ni Rizal na “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda” kaya nararapat lamang na bigyan natin ng pagpapahalaga ang wika na araw araw nating ginagamit. Tuwing Agosto ang Buwan ng Wika. Importanteng ipagdiwang ito, lalo na sa mga eskwelahan dahil alam naman natin na nakararami sa mga kabataang Pilipino ngayon ay ipinalaking Ingles na ang pangunahing wika. Dapat lamang na malaman natin na ang Filipino ay ang wikang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa ating mga Pilipino. Ito’y nagiging instrumento upang makamit natin ang kapayapaan dahil dito tayo nagkakaintindihan at nagkakaunawaan. Ang wikang Filipino ang nagsisilbing pagkakilalan ng mga Pilipino sa mga dayuhan.
Sarmiento, Louise Angelica C.
Holy Angel University
Rizal BM-334 CBA
Bilang pilipino, dapat parin nating mahalin at pahalagahan ang ating sairiling wika dahil ito ang ating unang natutunang lenggwahe. At dahil dito, nagkakaroon tayo ng koneksyon at maayos na samahan sa ating mga kapwa pilipino.
Matitu, Jhunell B.
Holy Angel University
Rizal BM-334
bawat tao ay may kanya kanyang sariling wika. may ibat ibang lengwahe sa ibat ibang bansa na dapat natin itong respetuhin. at eto ang gamit natin sa pakikipag kapwa tao upang tayoy mag kaintindihan. at ang wika ang importante salahat kaya mahalin natin at ipag malaki kahit saan man lugar.
Tuazon, Aila P.
Holy Angel University
RIZAL F332 CBA
Ating ginugunita at ipinagdiriwang ang buwan ng wika tuwing Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa ating wika. Ito ang nagbibigay daan upang tayo’y magkaintindihan, umunlad at magka-isa. Ngunit hindi natin masisisi kung may mga ilan sa atin ay bihasa na sa paggamit ng wikang Ingles dahil sinisimulan na itong ituro pagtungtong palang sa paaralan. Ngunit mali nga bang matutunan ang wikang banyaga? Masasabi kong oo, sa paraang paglimot sa ating sariling wika. Hindi tayo matatawag na tunay na isang Pilipino kung ikinahihiya natin ang ating sariling wika kaya nararapat lamang na ating gamitin, respetuhin at pagyamanin ang ating wikang pambansa dahil ang ating sariling lenggwahe lamang ang malinaw na batayan at sumisimbolo ng pagiging isang bansa natin.
Napakagandang malaman na isinusulong pa rin ang Buwan ng Wika sa ating bansa. Nawa’y hindi lamang ito gawin para sa pagtalima sa Pampanguluhang Proklamasyon 1041, kundi gawin din sana ito ng mga Pilipino dahil sa totoong kagustuhan nilang ipagmalaki at ipakita ang pagmamahal sa sariling wika. Ngayon na isang malaking isyu ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kurikulum sa kolehiyo, maging daan sana ang Buwan ng Wika upang mabuksan ang isip ng mga tao sa kahalagahan ng wikang Filipino, hindi lamang sa pang-araw-araw nating pamumuhay, kundi pati na rin sa akademiko.
Quizon, Shiela Mae A.
Holy Angel University
RIZAL F-332 CBA
Bilang isang Pilipino, nararapat lang nating gunitahin o alalahanin ang kahalagahan ng wika. Nakakalungkot man isipin na, yung mga ibang mga kapwa nating Pilipino ay mas ginugusto nilang salitain ang ibang wika kesa sa ating sariling wika. Kaya napakagandang balita kung isusulong ng ating gobyerno ang batas Pampanguluhang Proklamasyon 1041. Mas makikita natin ang tunay na kahalagahan nito. At nang dahil sa batas na ito, gagamitin ang ating wika sa pag’aabot ng pagkakaisa sa abawat isa sa atin. Sa darating na Agosto, alam kong lahat ng PIlipino ay gunitahin at makiisa ang lahat.
Cuellar, Ma. Khrysselle M.
Holy Angel University
F-332/Rizal/CBA
Bilang isang Pilipino, nararapat lang nating gunitahin o alalahanin ang kahalagahan ng wika. Nakakalungkot man isipin na, yung mga ibang mga kapwa nating Pilipino ay mas ginugusto nilang salitain ang ibang wika kesa sa ating sariling wika. Kaya napakagandang balita kung isusulong ng ating gobyerno ang batas Pampanguluhang Proklamasyon 1041. Mas makikita natin ang tunay na kahalagahan nito. At nang dahil sa batas na ito, gagamitin ang ating wika sa pag’aabot ng pagkakaisa sa bawat isa sa atin. Sa darating na Agosto, alam kong lahat ng PIlipino ay gugunitahin at makikiisa ang lahat.
Cuellar, Ma. Khrysselle M.
Holy Angel University
F-332/Rizal/CBA
Paano lubos na matatamasa ang tamis ganda ng ating wika kung ang asignaturang Filipino sa kolehiyo ay tatanggalin na.:(
Paano lubos na matatamasa ang tamis ganda ng ating wika kung ang asignaturang Filipino sa kolehiyo ay tatanggalin na.:( Aanhian pa ang kagandahan ng wika kung ang mismong kabababayan ang nagsasawalang bahala.
Ang wikang pilipino ang nagbibigay daan upang tayo any magkakaintindihan’ umunlad at magka-isa kaya gamitin natin ito ng maayos at respetohin natin ito.sa pamamgitan nito ay Nagpaptunay na tayo ang tunay na Pilipino.
Must Read
North Korea Threatens White House a Nuclear Strike
======================================
===> http://goo.gl/Bwdc0I
=====================================
kailangan nating mahalin ang ating sariling wika..
kailangan nating mahalin ang sarili nating wika
Wika ng Pagkakaisa, para sa mga biktima ng bagyong Yolanda and Glenda.
I precisely wished to thank you very much again. I’m not certain what I could possibly have worked on in the absence of these aspects shared by you about that topic. It truly was a alarming setting in my position, nevertheless being able to view the professional manner you solved it forced me to weep over delight. Extremely happier for your service and thus have high hopes you comprehend what a great job you are getting into educating the others using your websites. Most probably you’ve never come across all of us.
You made some decent points there. I looked on the internet for the issue and found most individuals will go along with with your website.
Hands down, Apple’s app store wins by a mile. It’s a huge selection of all sorts of apps vs a rather sad selection of a handful for Zune. Microsoft has plans, especially in the realm of games, but I’m not sure I’d want to bet on the future if this aspect is important to you. The iPod is a much better choice in that case.
Wonderful blog! Do you have any tips for aspiring writers? I’m hoping to start my own website soon but I’m a little lost on everything. Would you propose starting with a free platform like WordPress or go for a paid option? There are so many choices out there that I’m completely confused .. Any ideas? Many thanks!|