Buwan ng Wika 2013

Sa darating na buwan ng Agosto ay muling ipagdiriwang ng bansa ang Buwan ng Wika sa pangunguna ng Komisyon ng Wikang Pambansa (KWF). Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Wika Natin ang Daang Matuwid.”

Ang taunang pagdiriwang na ito ay alinsunod sa Pampanguluhang Proklamasyon 1041 na nilagdaan ng noo’y Pangulong Fidel V. Ramos noong Hulyo 1997. Basahin ang buong teksto ng nasabing proklamasyon sa pahinang ito.

Malaking bahagi ng taunang pagdiriwang na ito ang pagsasagawa ng mga kaugnay na aktibidad sa mga paaralan. Noong Mayo ay inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon ang Memorandum 89 na patungkol sa Buwan ng Wika 2013 (i-click ang link para ma-download ang dokumento). Ayon dito, layunin ng pagdiriwang ngayong taon ang mga sumusunod:

1. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon 1041

2. Mahikayat ang iba’t ibang ahensyang pampamahalaan pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko

3. Maganyak ang mamamayang Filipino na pahalagahan ang wikang Filipino sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa

 

[scribd id=150701402 key=key-1wemcz7j7mydae0hkkv1 mode=scroll]

 

Maliban sa nabanggit na tema, ang pagdiriwang ngayong taon ay nahahati rin sa mga sumusunod na sub-tema upang magsilbing gabay ng mga paaralan sa kanilang isasagawang mga aktibidad:

1. Ang Wika Natin ay Wika ng Katarungan at Kapayapaan

2. Ang Wika Natin ay Laban sa Katiwalian

3. Ang Wika Natin ay Sandata Laban sa Kahirapan

4. Ang Wika Natin ay Wika ng Mabilisan, Inklusibo, at Sustenidong Kaunlaran

5. Ang Wika Natin ay Pangangalaga sa Kaligiran

About Author

Comments

comments

Mark Pere Madrona

The Filipino Scribe (TFS) is managed by Mark Pere Madrona, a multi-awarded writer and licensed professional teacher from the Philippines. Mr. Madrona earned his master’s degree in history from the University of the Philippines-Diliman last 2020. He obtained his bachelor’s degree in journalism cum laude from the same university back in 2010. His area of interests includes Philippine journalism, history, and politics as well as social media. Know more about him here: https://www.filipinoscribe.com/about/.

16 thoughts on “Buwan ng Wika 2013

  1. “1. Ang Wika Natin ay Wika ng Katarungan at Kapayapaan

    2. Ang Wika Natin ay Laban sa Katiwalian

    3. Ang Wika Natin ay Sandata Laban sa Kahirapan

    4. Ang Wika Natin ay Wika ng Mabilisan, Inklusibo, at Sustenidong Kaunlaran

    5. Ang Wika Natin ay Pangangalaga sa Kaligiran”

    – Oh really? Then if our language is the key to solving all these problems, why is it that we’re still having these in the first place? Where’s the logic there? Or rather, is this “Da Pinoy Lojik”? 😛

    P.S. I speak in English because I’m proud to say that I’m no hypocrite unlike you and most nationalistic idiots who are, more often than not, hypocrites.

    (If I get a lot of hate comments and dislikes here, it just means most Pinoys are so easily butthurt… XD)

    1. Hindi naghahanap ng lohika (logic) ang wikang Filipino dahil ito ay hindi isang teorya lamang kundi ito ay buhay, dinamiko, arbitraryo at higit sa lahat ito ay ating Pambansang Pagkakakilanlan (national identity).

  2. “Ang sinumang hindi marunong magmahal sa wikang pambansa ay mabaho higit pa sa isang malansang isda.”

    Malungkot isipin, sir Joshua, na mismo ikaw ay estarnghero ng sarili mong bayan , higit sa lahat enstranghero ka sa sarili mong pagkatao. Kung sa palagay mo ay wala kang dugong nananalaytay sa pagka-Filipino sang-ayon ang marami sa sinabi mo ngunit isipin mo sana na kung ikaw ay may bahid ng dugong Pinoy ang ating Pambansang Wika ay siya nating Pambansang Pagkakakilanlan (national identity).

    “Ang unggoy sombrerohan at amerikanahan man ay unggoy pa rin siya.”

    Nawa’y makikiisa kayo sa damdaming may pagka- Filipinas.

    Maraming salamat po

    1. “Ang sinumang hindi marunong magmahal sa wikang pambansa ay mabaho higit pa sa isang malansang isda.” – Lemme guess: are you attributing that quote to Rizal? Well, I suggest that you read Ambeth Ocampo’s “Rizal Without The Overcoat,” and you’ll find out that it’s NOT Rizal himself who made that poem, and it’s just a fabrication……

      Sige na, tatagalugin ko na kayo (o kaya Taglish na nga lang. :P):

      Estranghero sa sarili kong bayan? Hindi ako Pilipino, tao ako. Kayo ay isa sa mga taong nakikiisa sa pagkakahati-hati ng sangkatauhan. I-Google ninyo kaya ang “Human Genome Project” at malalaman niyo na wala naman talagang tinatawag na “lahi” at ito’y ipinalaganap lang ng mga taong galing Kanluran para ma-justify ang kanilang pagiging mataas sa lahat…

    2. Ako’y sang-ayon sa komento ni FV ESCOLAR, sa pagkakaalam ko, pilipino pa rin tayo. Ano ba ang mapapala sa pagsasalita ng ingles e ginagamit lang ang lengwaheng yun? Oo nga’t kung ikaw (Jushua Cuyos) ay ganyan ka marunong, naging proud ka nyan? Makain ba yan? Still, Pilipino pa rin tayo, isa lang idyomatikong expression lang ang ibig sabihin ng “solving all this problem”, kung ako sayo wag mong ipaglandakan ang pagkamarunong mo kung ikaw na rin ang nagpapahiya sa wikang Filipino na kung anong salitang meron man tayo.

      It doesn’t change the fact na kung ano tayo na kung anong meron ba tayo. Bakit ikanakahiya mo ba ang pagka-Pilipino natin?

      Don’t be so proud to be dislike the language of what we have!

  3. Bilang isang guro ng wika, nakalulungkot isiping may mga kababayan tayong hindi pa rin maunawaan ang kahalagahan ng pambansang wika bilang pambansang pagkakakilanlan.

  4. Ipinagmamalaki ko na isa akong Filipino na my sariling Wikang Filpino!Mabuhay and Bansang Pilpinas!

  5. gusto ko po sanang humingi ng maikling sanaysay tungkol sa 5 sub tema ng buwan ng wika .maraming salamat po at mabuhay ang wikang Filipino

  6. magandang araw gusto ko po sanang humingi ng maikikling sanaysay s bawat sub tema ng buwan ng wika.salamat po

  7. Kaya nga napapanahon na gamitin natin ang sariling wika para maipahiwatig natin ang mga saloobin natin bilang mga Pilipino. Mas makapangyarihan ito at epektibo dahil maiintindihan ka ng masang Pilipino na siyang higit na marami kaysa mga mayayaman at edukado. Tayo ang dapat mag-abot ng kamay sa kanila, gumawa ng tulay para mabuo ang dati nang hiwa-hiwalay na mga isla ng kapuluang ito. Ang wika natin ay gamitin para umunawa at magpaliwanag sa mapayapang paraan.
    Hindi naman siguro ka ipokritohan ang magsalita sa sariling wika lalong lalo na kung pagtatapatan ang pinag-uusapan. Ang sariling wika ang siyang himig na maririnig mo na siyang tinitibok rin ng puso mo mula pagkabata mo dahil ito ang nakagisnan mong salita ng mga magulang mo at mga mahal mo sa buhay..

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.