Reading between the lines of President Aquino’s 2011 State of the Nation Address

1. Walang wang-wang sa ating administrasyon. At ngayon, patuloy nating itinitigil ito.

– Walang wang-wang? Ano tawag niya kay Kris? Sirena?

2. Kayo po ba, gusto ninyong makulong ang lahat ng tiwali? Ako rin po. – Ouch, Madame Gloria!

"Walang hiya ka, Noy! May shakit na nga ako, binibira mo pa rin ako..." (courtesy of Negros Chronicle)

3. Nitong taong ito, taumbayan na mismo ang nagsabing nabawasan ang nagugutom sa kanila. Mula sa 20.5 percent na self-rated hunger noong Marso, bumaba na ito sa 15.1 percent nitong Hunyo

– Isa ako sa nagugutom. I hunger for your love!

4. Wang-wang po ang pagbili ng helicopter sa presyong brand new, pero iyon pala ay gamit na gamit na.

– Did we hear PNoy say, “Mike Arroyo!”?

5. Ang bonus nila mula 2005 hanggang 2009 (mga opisyal ng Philippine National Construction Corporation), dinoble pa nila sa unang anim na buwan ng 2010. Ibinaon na nga po nila sa bilyun-bilyong pisong utang ang kanilang tanggapan, nasikmura pa nilang magbigay ng midnight bonus sa sarili.

Where can I send my resume?

6. Kung mang-aagrabyado ka lang ng mahirap, huwag ka nang magtangka. Kung sarili mo lang ang papayamanin mo, huwag ka nang magtangka. Kung hindi iyan para sa Pilipino, huwag ka nang magtangka.

 – The pain caused by PGMA’s pinched nerve just got worse!

 

Everytime PNoy mentions the need to punish corruption, Arroyo's neck pain worsens!

7. Nakapag-abot na po tayo ng apat na libong Certificate of Entitlement to Lot Allocation sa magigiting nating kawal at pulis…Ang dating apat na libong ibinabayad para sa upa kada buwan, ngayon, dalawandaang piso na lang, para pa sa bahay na pagmamay-ari talaga nila. – Bakit ka mangungupahan pa, kung kaya mo namang magkabahay na?

8. Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas; kapag tumapak ka sa Recto Bank, para ka na ring tumapak sa Recto Avenue. – Wait! Ibig sabihin, may mga prostitutes na rin sa Spratlys?!?

8.1. Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas; kapag tumapak ka sa Recto Bank, para ka na ring tumapak sa Recto Avenue. – Ha? May nagbebenta na rin ng pekeng diploma sa Kalayaan Islands?!?

10. Wala tayong balak mang-away, pero kailangan ding mabatid ng mundo na handa tayong ipagtanggol ang atin. – The Chinese Ambassador just fell from his seat…

11. Ayon pa lang po sa website nating Philjobnet, may limampung libong trabahong hindi napupunan, napupunuan, kada buwan dahil hindi tugma ang kailangan ng mga kumpanya sa kakayahan at kaalaman ng mga naghahanap ng trabaho. – Nursing graduates! Nursing graduates! Wala lang…

12. Kung hindi nawala ang pondong ito (ARMM cash advances), nakatapos na sana ang isang batang sa ngayon ay tumatawid sa ghost bridge, para pumasok sa ghost school, kung saan tuturuan siya ng ghost teacher. – Ang daming ghost! Scary!

13. Pag sinabi nating malinis na pamamahala, may dadaloy na malinis na tubig sa mga liblib na lugar gaya ng Barangay Poblacion, sa Ferrol, Romblon. – Cheers, Congressman Budoy Madrona!

Rep. Eleandro Jesus Madrona of Romblon province

14. Sinusuportahan din natin ang pagpapalawak ng sakop ng scholarship na ipinagkakaloob ng DOST sa mahuhusay ngunit kapuspalad na mag-aaral – Sana hindi na delayed ang quarterly stipend…

15. Kung hindi magbabayad ang mga nagkasala, parang tayo na rin mismo ang nag-imbita sa mga nagbabalak gumawa ng masama na kung puwede, uulitin ninyo ang ginawa ninyo.

At this point, Gloria Arroyo asked Dr. Juliet Cervantes (of St. Luke’s Medical Center) for sedatives

16. Isang bilyong piso po ang ginastos ng dating pamunuan ng PAGCOR para sa kape; sa isandaang piso na lang po kada tasa, lalabas na nakakonsumo sila ng sampung milyong tasa ng kape. Hanapin nga po natin sila, at matanong: nakakatulog pa po kayo? – Now, that’s what free-flowing coffee is!

PAGCOR Coffee, anyone? *gold dust kasi ang creamer nyan kaya mahal*

16.1. Isang bilyong piso po ang ginastos ng dating pamunuan ng PAGCOR para sa kape; sa isandaang piso na lang po kada tasa, lalabas na nakakonsumo sila ng sampung milyong tasa ng kape. Hanapin nga po natin sila, at matanong: nakakatulog pa po kayo? – Representatives of Starbucks, Seattle’s Best, and Figaro are now looking forward to doing business with PAGCOR!

17. Tapos na rin po ang panahon kung kailan nagsasampa ang gobyerno ng malalabnaw na kaso. Kapag tayo ang nagsampa, matibay ang ebidensya, malinaw ang testimonya, at siguradong walang lusot ang salarin. – GMA failed to hear this. Tulog na sya…

18. Salamat po sa mga pari at obispo na masinsinang nakikipagdiyalogo sa atin, katulad nina Cardinal Rosales at Vidal. – RH bill advocates pretends not to hear anything

19. Salamat din po sa ating Gabinete, na walang kinikilalang panahon ng tulog o pahinga, maipatupad lang ang pambansang agenda. – Balay o Samar?

20. Special mention po ang PAGASA, na tunay na ngayong nagbibigay ng maaasahang babala – Albay Gov. Joey Salceda raises his eyebrows.

And last but not the least…

Bago ka umuwi galing eskuwela, lapitan mo ang guro mong piniling mamuhunan sa iyong kinabukasan kaysa unahin ang sariling ginhawa; sabihin mo, “Salamat po” – I’m inviting the President to be a contributor to our book “Growing Up Right” after his term!

About Author

Comments

comments

Mark Pere Madrona

The Filipino Scribe (TFS) is managed by Mark Pere Madrona, a multi-awarded writer and licensed professional teacher from the Philippines. Mr. Madrona earned his master’s degree in history from the University of the Philippines-Diliman last 2020. He obtained his bachelor’s degree in journalism cum laude from the same university back in 2010. His area of interests includes Philippine journalism, history, and politics as well as social media. Know more about him here: https://www.filipinoscribe.com/about/.

3 thoughts on “Reading between the lines of President Aquino’s 2011 State of the Nation Address

  1. I wish to express my gratitude for your kindness in support of visitors who have the need for guidance on your theme. Your real commitment to getting the message all around appeared to be quite good and has always made employees much like me to attain their aims. Your amazing warm and friendly tutorial can mean a great deal to me and further more to my office colleagues. Regards; from each one of us.

  2. Today, I went to the beach front with my children. I found a sea shell and gave it to my 4 year old daughter and said “You can hear the ocean if you put this to your ear.” She put the shell to her ear and screamed. There was a hermit crab inside and it pinched her ear. She never wants to go back! LoL I know this is totally off topic but I had to tell someone!|

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.