Gov’t braces for huge demonstrations during Aquino’s 2011 SONA tomorrow
Mga Paghahanda sa SONA ni PNoy, tuloy kahit umuulan
Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan nitong hapon, nagpatuloy pa rin ang ginagawang paghahanda ng mga ahensya ng pamahalaan para sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III bukas ng hapon. Sa bahagi ng Commonwealth Avenue mula sa St. Peter’s Parish hanggang sa Sandiganbayan overpass (sa palunukan ng IBP road na siyang daan tungong House of Representatives), kapansin-pansin ang mga naglalakihang truck ng MMDA pati na ang mobile control vehicle ng pulisya.
Naglagay rin ng advanced command post ang Quezon City Police District. Nakahanda na rin ang mga magsisilbing harang laban sa mga rallyista gaya ng iron fence at mga container. Naglagay rin ang mga autoridad ng urinals sa mga lugar na inaasahang pagdadausan ng programa ng mga demostrador bukas. Idineklara na ng pamahalaan ang suspension ng klase mula elementarya hanggang high school bukas hindi lamang sa Batasan Hills kundi sa buong Lungsod Quezon. (I took these photos. You may repost with credits.)
By the way, UP Diliman Chancellor Caesar Saloma, Ph.D has announced that classes tomorrow, July 25, are suspended.
bakit nga pala walang nagsosona ng mga ‘hindi’ na accomplish ng pangulo?
(a taxi driver said)
Naku po, kung may gagawa po nyan, I think that would be much longer. 🙂