Totoo nga bang may kalabisan ng nurses sa Pilipinas?
Isang Sabado nitong Hunyo, tinawagan ko si Chris (hindi tunay na pangalan), isang kaibigan mula pa noong high school, para siya ay kumustahin. Bagaman mahigit limang taon na kami hindi nagkikita, hindi naman nawala ang aming contact sa isa’t isa. Nabati ko pa nga siya sa Facebook noong Pebrero, kung kalian lumabas ang resulta ng December 2010 Nursing Board Exams. Isa siya sa 29,711 na bagong “registered nurses” (RN) ng bansa. Natural lang naman siguro na magdiwang ka at ang iyong buong pamilya kapag nakamit mo na ang inaasam na titulong “RN.”
Una, hindi madaling mag-aral ng nursing. Kung nakakalito na ang pag-aralan ang mga kagaya ng endoplastic reticulum, vacuoles, at mitochondria sa ating high school biology class, ano pa kaya kung ikaw ay nagpapakadalubhasa na hinggil sa human anatomy? Hindi nga ba’t may pagkakataon pa kung kalian kahit bangkay ng tao ay ginagamit nila para rito?
Pangalawa, lubhang magastos magpa-aral ng isang nursing student. Libo-libo ang kailangan mo gastahin para sa mga school fees, libro, iba’t ibang kagamitan, at pamasahe kapag panahon na ng internship. Kahit taga Maynila at marami naming ospital dito sa National Capital Region, mas malamang ay idestino ka sa isang karatig-lalawigan (gaya ng Pampanga o Cavite) para sa iyong on-the-job training. Siyempre, walang makakatanggi sa isang school requirement.
Nanumpa na si Chris sa kanyang propesyon noong Abril. Nagtapos si Chris mula sa isang respetadong pamantasan sa Maynila. Sa katunayan, sa halos 200 exam takers mula sa pamantasang iyon noong Disyembre 2010, lima lang ang hindi nakapasa sa board. Isang taon mahigit na mula nang magtapos sa pag-aaral si Chris, pero wala pa rin siyang trabaho. Ayon sa kanya, naghihintay daw sya ng placement sa Singapore, at kung papalarin, baka daw sa susunod na buwan ay tumulak na siya paroon.
Dagdag pa niya, limitado na raw ang opportunities para sa mga bagong nurse dito sa bansa. Kahit ang mga vacancy para sa pagiging company o school nurse, kailangan may work experience ka. At mahigpit talaga ang kompetisyon! Sa isang panayam sa Baguio City noong Mayo, nabanggit ni Health Sec. Enrique Ona na mahigit 200,000 nurses sa bansa ang naghahanap ng trabaho sa kasalukuyan. Ayon sa kanya, matagal nang bumababa ng demand ng mga bansa sa Kanluran gaya ng United Kingdom para sa mga nurses. Nagsimula daw ito bago pa man magkaroon ng global financial crisis.
Siyangapala, sa Hulyo, libo-libong nursing graduates na naman ang kukuha ng licensure exam. Kaysa mabakante ng matagal, pinipili ng ilan na magtrabaho bilang call center agent o kaya’y magbayad sa mga ospital para payagang makapagsilbi bilang volunteer. Kuwento nga ni Chris sa akin, isa daw sa aming kamag-aral na graduate ng isang unibersidad sa U-belt ang nagbayad ng P8,000 para makapag-volunteer ng tatlong buwan sa isang ospital pang-militar sa Quezon City. Totoo nga bang may oversupply na ng nurses sa bansa?
Ayon sa 2011 Philippine country health profile na inilathala ng World Health Organization (WHO)*, sa bawat 10000 Pilipino ay may 60 na nurse o midwife. Ito ay higit na mataas kaysa sa regional average na 20.3. Mas mababa naman ang bilang ng mga physicians sa bansa (11.5) kaysa sa mga kapitbahay nito a rehiyon (14.5). Hindi nga ba’t may mga doctor tayo na muling nag-aaral para maging nurse? Base sa klasipikasyon ng WHO, ang Pilipinas ay nasa Western Pacific Region. Sa parehong factsheet, nabanggit na halos 40% ng mga panganganak sa bansa ang hindi nagagabayan ng isang skilled health personnel.
Kung may oversupply nga ng nurses sa bansa, bakit nakapalaking bahagdan pa rin ng ating populasyon ang walang access sa kalidad na serbisyo medikal? Lumalabas na hindi well-distributed sa Pilipinas ang mga nurses. Marami sa kanila ang nandito sa Kamaynilaan habang ang mga nasa malalayong lalawigan ay matinding nangangailangan ng atensyong medikal. Hangga’t hindi nasosolusyunan ang problemang ito, patuloy na mangingibabaw ang nosyong may kalabisan nga sa bilang ng mga nars sa bansa. At si Chris naman, isang taon pagkatapos niyang grumadweyt sa kolehiyo, ay patuloy pa ring naghahanap ng kanyang unang trabaho.
Sanggunian:
abs-cbnNEWS.com. PRC: 29,711 new nurses. http://www.abs-cbnnews.com/exam-results/02/19/11/prc-29711-new-nurses. Article dated February 20, 2011, retrieved June 9, 2011.
Cimatu, Frank. Health secretary tells students: Avoid nursing. http://www.inquirer.net/specialfeatures/nursingmatters/view.php?db=1&article=20110511-335809. Article dated May 11, 2011, retrieved June 9, 2011.
World Health Organization. Philippines – country health profile. http://www.who.int/gho/countries/phl.pdf. Last updated April 4, 2011.
I’ll gear this review to 2 types of people: current Zune owners who are considering an upgrade, and people trying to decide between a Zune and an iPod. (There are other players worth considering out there, like the Sony Walkman X, but I hope this gives you enough info to make an informed decision of the Zune vs players other than the iPod line as well.)