Remembering my encounter with a cellphone thief two years ago
Papasok na ako sa aking PI 100 (Rizal’s life and works) class kahapon ng umaga (7AM). Gaya ng dati, doon ako sa may PHILCOA overpass bumaba. Habang binabagtas ko ang overpass, nararamdaman kong may gumagalaw sa backpack ko. Nung mga oras na iyon, marami nang tao sa overpass – mga estudyante, mga papasok sa trabaho, pati na ang mga manininda. Nasa kalagitnaan ako ng overpass at patuloy pa rin ang nararamdaman ko. Sa wakas, nag about-face na ako. Kahit kaharap ko na si “Manong,” hindi ko siya tinitingnan ng eye-level. Alangan akong tingnan sya kaya’t medyo nakatungo ako.
Dahil dito, nakita kong nasa bulsa nya ang Nokia phone ko. Tiningnan ko na sya. “Manong, cellphone ko yan,” sabi ko sa kanya – sabay turo sa bulsa nyang umuumbok. Wala syang nagawa. Inabot nya ang phone ko. Matapos nun, kinapa ko na yung Hawk bag ko at napansin kong nahiwa ang outer pocket nya – gamit siguro ang isang laseta. Napansin kong wala na doon ang isa ko pang cellphone.
Ewan ko kung anong naisip ko pero hinabol ko si Manong na hindi pa gaanong nakakalayo. Muli, kinompronta ko sya. “Nasaan yung isa pa?” usig ko sa kanya. Muli’y dinukot sya sa kanyang bulsa’t may iniabot sa akin. Sabi nya, nahulog daw ang phone ko at pinulot lang nya. Syempre, that’s bullshit. Nagtataka ako kung paano nya nalaman ang pinaglalagyan ng cellphone ko. Siguro kasi’y bihasa na sya sa pagnanakaw.
Sa tantsa ko, nasa edad 40 na si Manong. Nakasuot sya ng blue polo shirt at maong pants (na tipikal na damit ng mga jeepney driver). May kapayatan, kayumanggi at may bigote. Kung tutuusin, maswerte na din ako’t nabawi ko ang 2 cellphone ko. Napaisip tuloy ako kung bakit nya ginawa yun. Siguro’y hindi sanay si Manong na papalag ang isa nyang biktima. Imposible rin na may gawin syang masama sa akin (e.g. tutukan ako ng patalim) dahil sa dami ng tao na naroroon.
Needless to say, I was so shaken after the incident. Sa tinagal-tagal ko nang bumabiyahe on my way to school ay ngayon lang nangyari ito sa akin. Pagkababa ko ng overpass, naghanap agad ako ng payphone para tawagan si Mama. Humihingal ako habang kinakausap ko sya and midway through our conversation – I broke down. Nag-panic si Mama and she asked me if she had to go to PHILCOA. I said no because I have a PI100 class (looking back, nakakatawa ang pagiging grade concsious ko – Mark).
Bagaman walang nakuha sa akin ang magnanakaw, the brazenness of his act is still shocking. Imagine this: slashing a student’s bag in the presence of many people in broad daylight. It seems to me that there’s a climate of impunity for these thieves. Syempre, natatakot din ako for my safety. Hindi ko alam kung makakadaan pa ako sa PHILCOA overpass ng panatag ang loob. Paano kung balikan nya ako – this time with his crime buddies?
(I originally wrote this in my Multiply account two years. I am reposting it here in my new blog to mark the 2nd year “anniversary” of that chilling event. I should add that in recent years, Quezon City police operatives have put up an outpost of sorts below the overpass.)
See my original post:
http://sexylove25.multiply.com/journal/item/269/My_Encounter_with_a_Cellphone_Thief_-_sa_PHILCOA_overpass